Hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako sa Wu Yen, kahit na alam kong comedy siya, complete with crossdressing and mo lei tau. Merong scene si Sammi Cheng at Cecilia Cheung, kung saan ini-explain ni Sammi (as Wu Yen) kay Cecilia (as fairy enchantress) na "Love is destruction and sabotage, motivated by self interest and greed so that it leads to hatred, revenge, and war." Totoo 'yon, at least sa aking experience. "In the end, it's over before it even began."
Memorable rin yung divorce scene ni Anita (as the Emperor) and Sammi. Ini-explain ang tatlong klase ng paghihiwalay: (1) hate-you-so, kung saan malaki ang chances for reconciliation; (2) it's over, pwede pang maayos kung gugustuhin ng lalaki at babae; at (3) wala ng bawian, self-explanatory. Actually, mahilig ako sa mga "i'm-a-stupid-jerk-but-i've-cleaned-up-my-act" movies siguro dahil sobra akong sentimental o dahil bobo akong umintindi ng expiration date ng mga bagay-bagay.
Ewan. Siguro isa lang akong malaking escapist. *sigh*
No comments:
Post a Comment